Happy Mother's Day sa 'yo! Kamusta na? Kamusta naman kayo ni Daddy? Miss na miss ko na kayo! Sana'y nasa mabuti kayong kalagayan at karamdaman lalong lalo na sa sobrang init na panahon ngayon sa 'Pinas. Sana nandiyan ako ngayon para-makapiling kayo at mag-saya sa kaarawan nating mga ina. Tuwing naalala ko ang ating makulay na nagdaan, siyempre may oras na natatawa ako, na-iiyak, nagagalit o kaya nanggigigil. HAHAHAHA! Alam niyo nang ibig kong sabihin! Buhat noong ako'y limang taon pa lang hanggang sampong taon, ibig kong lagi tayong tatlong magkasama, hindi ako maka-bitiw sa 'yong mga kamay. Pero noon pa man, unti-unting lumalabas ang, 'eka nga, mga sungay ko...lahat ng payo niyo sa 'kin noon ay siyang sinasaway ko. Habang pinipilit ninyo akong ituwid, siya nama'y pilit kong iguhit ang aking daan. Pero, kahit papaano, minahal niyo ako higit pa sa taos puso.
Noong ako'y naman 11 years old hanggang 18 years, ay naku, para bang kay tagal ng panahon bago niyo akong pabayaang mamuhay ng mag-isa. Ang parati niyong sinasabi sa 'kin noon, "anak, 'gaya ka ng ibon, may pak-pak ka pero hindi mo pang kayang lumipad mag-isa!" Shieeeeetttt! Ano ba 'yan?! Sa awa ng diyos at sa pag-darasal ko, noong 24 years old na ako, salamat sa Diyos--sa wakas, umuwi na rin kayo ng Pinas! Sorry pero noong panahon na 'yon, talagang napaka-ligaya ko dahil sa hindi na kayo makikialam sa pamumuhay naming mag-ina! Take note ha, noong ako'y naging trenta años, hinihanap-hanap kita/kayo. Doon ako na-iyak ng usto. Tutoo nga LAHAT ng sinasabi niyo sa 'kin, lahat ng payo at leksyon niyo---tutoo!!! Minsan, na-mi-miss ko ang pag-sermon niyo sa 'kin. Na nahuhuli ko matanong-tanong sa sarili na "ano kaya ang gagawin ni Mommy kung siya'y napalagay sa situasyon ko?" Malaking impluensiya niyo sa 'king buhay--kahit na noong akala'y niyong itinakwil ko kayo.
NGAYON, nandito pa rin kayo kasakasama ko sa bago kong landas, wala na akong kailangan higit pa sa pagsusubay niyo sa 'kin at siyang pinasasalamatan ko sa Mahal na Panginoon. Mahal na mahal ko kayo at higit pa sa lahat, MALIGAYA NA AKO NGAYON! Tagumpay sa inyo, mga mahal ko sa buhay. So, wag na kayong mainip o malungkot--sandali na lang at nandiyan ako muli.
Ang Inyong Nagmamahal na anak,
Maritess