Kamusta na kayo ni Mommy?! Sana'y nasa mabuti kayong kalagayan naman. Sana'y naalagaan niyo ang iyong sariling mabuti. NO MORE STROKES, PLEASE! Daddy--ikaw ang lakas ko sa buhay. Kahit na dala-dala ko ang puso ni Mommy, sa 'yong nanggagaling ang aking lakas. Bago ako bumigay sa ano mang bagay, hinihila ko ang lakas na binigay mo sa 'kin para ma-ibangon ko ang sarili ko. Kahit ako nadadapa, ang iyong kamay ay siyang humihila sa 'king pataas. Dad, kung si Mommy ang Diyosa ko, ikaw naman...ay siempre, ang aking Diyos na nag-bibigay kahuli-hulihan lakas at halakhak.
Maligaya na ako sa piling niyo ngayon! Binibilang ko ang mga araw bago tayo magkita muli. Natanggap niyo ba ang aking mga padala? Usto lang ba sa inyo? Hayaan niyo, mag-papadala ako uli...pero medyo matatagalan dahil kailangan mag-ipon muna, di ba?! Hahahaha!!!! Lahat ng mga payo niyo (mas pinakikinggan ko kay sa payo ni Mommy) ay tutoo, lalo na sa mga payong tungkol sa mga lalaki! HA, SSSSSSOOOOO TRUE! Hindi pa man ako nakakakita ng tunay na mahal sa buhay, pero pag nagkatagpo na kami, ikaw ang unang-unang makaka-alam. Siyempre, happy ka na ngayon sa pag-papalaki ko kay Jonathan and for that, PROUD AKONG TODO!!!!! Sana, I did you justice.
Pop-lahat ng sinabi mo sa 'kin noon, hanggang ngayon ay dala dala ko palagi. Hindi ka lamang ang lakas ko, ikaw rin ang comedyante sa buhay ko. Sa mga araw na nalulungkot ako, iniisip ko na lang ANG LAHAT NG KATATAWANAN na ipinadarama mo sa 'kin...lumiligaya akong muli. 'Wag kang masyadong mag-isip--leave that to me, ok?! Mahal Kita at miss na miss kita. Hanggang dito na lang, sandali na lang at nandiyan na rin ako.
Nagmamahal,
Maritess